Recent Posts
40 Comments , 100 likes
Binisita nating muli si Princess, ang mama dog na inabandona ng kanyang dating may-ari at ngayon ay kinupkop nila Rhamsy at Jam mula ng siya ay nanganak. Umuulan noong gabi ng 22 October nung isilang ni Princess ang kanyang labing-isang mga puppies. Malaki ang ating pasasalamat sa mag asawa sa pag rescue at foster sa mga puppies.
Humingi ng tulong ang mga foster. Ang Animal Rescue Rehabilitation & Fostering ARRF - Davao, Inc. at Barrio Beterinaryo ay agad namang nagresponde.
Alam natin na kung hindi naisalba nila Rhamsy si Princess at ang kanyang puppies, sila ay magiging pagala gala, mauuwi sa dog pound o magkakasakit o di naman kaya ay maaksidente. Di po natin kailangang hintayin yun bago natin sila tulungan. Gawin natin silang masigla at hanapan ng responsableng tagapag-alaga upang di na sila kailangang i-rescue pagdating ng panahon.
Ngayong araw po ay nadeworm natin ang mga puppy at si Princess. Mula sa ARRF-DAVAO ay may tulong na trapal para di sila mainitan, nagpahiram ng isang rechargeable na electric fan, dog food at mga supplements.
Maaari po kayong magabot ng suporta sa aming community outreach program.
Enjoy the rest of your Sunday!
Leave a comment